Update sa PILOT TEST RUN ng DMW Mobile App – OFW Pass: Kabayan salamat sa inyong pakikilahok sa ating PILOT TEST RUN ng DMW Mobile App – OFW Pass. Kasalukuyang hindi nakapagpapadala ng One-Time Password (OTP) authentication sa LAHAT ng PILOT TEST RUN countries ng Pilipinas, Kingdom of Saudi Arabia (KSA), United Arab Emirates (UAE), Singapore (SG), at Hongkong (HK).

Inaayos na po ito ng ating mga engineer upang maipagpatuloy ninyo ang pagsubok at pagsuri sa DMW Mobile App – OFW Pass. Hintayin lamang po ang abiso kapag available na ang OTP authentication.

Salamat sa inyong pang-unawa.

Ipaabot po sa amin ang iba pang concern, isyu, at feedback upang sabay-sabay natin mapabuti at mapaganda pa ang DMW Mobile App – OFW Pass: e-mail: [email protected] FB at Messenger: https://www.facebook.com/dmw.gov.ph WhatsApp at Viber (call | SMS): +63 908-326-8344 +63 927-147-8186 +63 920-517-1059

Maraming salamat Kabayan! #ofwpass