GOOD NEWS mga Kabayan sa Pilot Test Run ng DMW Mobile App at OFW Pass! Sa mga OFW na nasa SAUDI ARABIA, UAE, SINGAPORE, at HONGKONG maari nang i-download ang DMW Mobile App sa inyong mga cellphone. Sa Android na cellphone i-download ang app mula sa Google Play Store.

Kung iPhone ang iyong cellphone i-download naman mula sa App Store ng Apple. Para makapag-apply ng inyong OFW Pass, ito naman ang accepted na IDs para sa Visa requirement:

1. KSA – entry Visa, Valid IQAMA

2. UAE – Residence Card or Emirates ID

3. SG – Work Permit SPass or EPass

4. HK – ID Card, Permanent ID Card

Abangan ang mga iba pang abiso tungkol sa DMW Mobile App at OFW Pass at kung maaari nang ma-download sa lugar ninyo. Tandaan, lahat ng opisyal na abiso tungkol sa DMW Mobile App ay makikita lamang po sa DMW Facebook page at Messenger sa https://www.facebook.com/dmw.gov.ph at sa Twitter #DMWPHL

Para sa iba pang tanong tungkol sa DMW Mobile App at OFW Pass makipag-ugnayan sa amin sa DMW. e-mail: [email protected] FB at Messenger: https://www.facebook.com/dmw.gov.ph WhatsApp at Viber (call | SMS): +63 908-326-8344 +63 927-147-8186 +63 920-517-1059 Salamat at ingat palagi Kabayan!