ONLINE SUBMISSION SYSTEM: Q& A

Q: Limited availability?

A: Sa ngayon, ito available pa lamang para sa selected categories, ito ay may limited capacity din. Ang limit ng submissions ay para sa 300 applicants lamang sa bawat online form.

 

Q: Hindi ako marunong mag-online. Hindi na ba ako makakapag-verify?

A: Pwede pa rin kumuha ng online appointment upang makapunta sa araw ng iyong schedule, o kaya ay mag punta sa POLO isang araw bago ang flight; at tuwing Biyernes/pinakamalapit na working day para sa mga may flight ng susunod na Sabado / Linggo / Lunes kapag ang Temporary at Partial Suspension ng Guaranteed Entry para sa may flights one day before the flight ay tinanggal na.

Q:Sino target participants?

A:Sa kasalukuyan, ang target participants ay ang mga OFWs na mayroong valid employment visa mula sa Dubai, Sharjah, Ajman, Umm Al Quwain, Ras Al Khaimah, o Fujairah na kailangan ng contract verification at may confirmed flights sa July 9, 10, 11, & 12, 2022 (Form 1); July 16, 17, at 18, 2022 (Form 2) at July 23, 24, at 25, 2022 lamang (Form 3).

Abangan ang mga announcement at advisory sa aming website para sa mga susunod na schedule.

 

Q:Ano ang timeline ninyo?

Week 1

Week 2

Weekend 3

June 20 – 21, 2022 (Monday-Tuesday)

June 22 – 24, 2022 (Wednesday – Friday)

June 27-28, 2022 (Monday-Tuesday)

June 29-30, July1, 2022 (Wednesday – Friday)

July 9,10,11 & 12, 2022 (Saturday, Sunday, Monday , Tuesday)

Link open for submission

Evaluation (POLO)

Notification (POLO)

In person payment

Client’s flight

A: Gaya nang nakasulat, ang links para sa online submission ay bubuksan 2 weeks before ang confirmed flight mo. Ito ay bukas lamang habang mayroong available na slots o hanggang June 21, 2022, alinman ang mauna. Ganito ay timeline na susundin maging sa mga susunod na forms.

 

Q: May confirmed flight ako, pero hindi siya kasali sa mga araw na nabanggit. Pwede pa rin ba ako mag-submit online?

A: Hindi. Kung hindi pasok sa mga araw na nasabi ang confirmed ticket ng aplikante, ang online submission nya ay ma-disapprove.

May appointment ka ba for contract verification? Kung wala, at kapag lifted na ang temporary/partial suspension ng Guaranteed Entry:

Kailan ang araw ng flight pauwi sa Pilipinas?

Kailan ako magpupunta sa POLO?

Tuesday

Monday

Wednesday

Tuesday

Thursday

Wednesday

Friday

Thursday

Saturday, Sunday, Monday

Online submission – tignan ang schedule sa POLO Dubai website.

Q: Bakit disapproved ang aking online submission? Akala ko ba online na lang ang submission tapos disapproved lang pala?

A: Ang pagsusubmit online ng dokumento ay hindi nangangahulugan na approved na agad ang dokumento mo.

Dadaan pa yan ng review at evaluation. BASAHIN ANG MGA DAHIL PARA MA-DISAPPROVE ANG APPLICATION DITO. / READ THE REASONS FOR DISAPPROVAL HERE.

Q: Ano ang pwede kong gawin kung disapproved ang akin application? Pwede ba ako mag submit ulit online?

A: Hindi na. Limited availability lang ang online submission. Ibig sabihin, kung mapuno na ang slots, ito ay automatically magsasarado, o kung hindi man ito napuno, automatic ito magsasarado tuwing Tuesday.

Kaya kung disapproved ang application mo, kasama sa email na matatanggap mo mula sa POLO Dubai ang instructions para maitama ang mali sa requirements mo, at sa araw bago ang iyong flight ka lamang pwede magpunta ng personal para sa contract verification (kapag lifted na ang Temporary/Partial Suspension ng Guaranteed Entry), o kung mayroon kang nakuhang online appointment na mas maaga kaysa rito.

Q: Approved ang aking application, ano ang aking gagawin?

A: Kasama sa email na nagsasabing approved ang documents mo ang instructions, ano ang dapat dalahin, at kung kailan dapat magpunta.

Kung hindi makakapunta sa araw na tinakda, maaring magpunta sa pinakamalapit na Biyernes / pinkamalapit na araw na may pasok; o kung nakakakuha ng online appointment ay pumunta sa araw na iyon. Hindi magbibigay ng panibagong schedule ang POLO Dubai.

Hindi tinatanggap ang authorized personnel para sa payment at releasing ng online-approved application.

 

 

Mga paalala sa paggamit ng online submission system:

  1. Required ang email address. We are currently using Google Forms, thus we recommend you use a gmail account in order to upload documents / files easily.
  2. Isang beses lang ang submission sa bawat aplikanteng OFW. Kung multiple times ka nagsbumit, automatically disapproved ang submission mo. Huwag natin agawan ng slot ang ibang aplikante. Isang slot per tao lang.
  3. Basahin ng maigi ang instructions. Ang lahat ng pwede mong malaman ay nakasulat sa website, forms, at iba pang guidelines.